Pumunta sa nilalaman

Proteksiyonismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pampolitikang paskil ng Britanikong Partido Liberal na nagpapakita ng kanilang pananaw sa mga pagkakaiba ng isang ekonomiya nakabatay sa malayang kalakalan at isa namang nakabatay sa proteksyonismo. Ipinapakita ang tindahan ng malayang kalakalan na puno ng mga mamimili dahil sa mabababang presyo nito. Ang tindahang nakabatay sa proteksyonismo ay nagpapakita ng mas mataas na mga presyo, mas kaunting pagpipiliang kalakal, at kakulangan ng mga mamimili. Inilalarawan din ang alitan sa pagitan ng 'protektadong' may-ari ng negosyo at ng regulador.
Poskard laban sa malayang kalakalan, 1910. Ipinapakita na ang proteksiyonismo ay nagbubunga ng kaunlaran at magandang sahod, samantalang ang malayang kalakalan ay humahantong sa kawalan ng trabaho at paghihirap.

Ang proteksiyonismo, na kung minsan ay tinatawag na proteksiyonismo sa kalakalan, ay ang patakarang pang-ekonomiya ng paghihigpit sa mga inaangkat mula sa ibang mga bansa sa pamamagitan ng mga pamamaraan tulad ng mga taripa sa mga inangkat na produkto, mga kota sa pag-aangkat, at iba't iba pang mga regulasyon ng pamahalaan. Ipinapangatuwiran ng mga tagapagtaguyod na ang mga proteksiyonistang patakaran ay nagtatanggol sa mga prodyuser, negosyo, at manggagawa ng sektor na nakikipagkompitensiya sa mga inaangkat mula sa mga dayuhang kakompetensiya at nagdadagdag sa kita ng gobyerno. Nangangatwiran naman ang mga kalaban na ang mga patakarang proteksiyonista ay nagpapababa ng kalakalan, at negatibong nakakaapekto sa mga mamimili sa pangkalahatan (sa pamamagitan ng pagtataas ng presyo ng mga inangkat na produkto), pati na rin sa mga prodyuser at manggagawa sa mga sektor ng pagluluwas, kapwa sa bansang nagpapatupad ng mga patakarang proteksiyonista at sa mga bansang tinatamaan ng mga proteksiyon.[1]

Pangunahing isinusulong ang proteksiyonismo ng mga partidong may nasyonalistikong pananaw sa ekonomiya[a], habang karaniwang sinusuportahan naman ng mga partidong pampolitika na liberal sa ekonomiya[b] ang malayang kalakalan.[2][3][4][5][6]

May pagkakaisa sa hanay ng mga ekonomista na ang proteksiyonismo ay may negatibong epekto sa paglago at kapakanang pang-ekonomiya,[7][8][9][10] samantalang ang malayang kalakalan at ang pagbawas ng mga hadlang sa kalakalan ay may makabuluhang positibong epekto sa pag-unlad ng ekonomiya.[8][10][11][12][13][14] Maraming pangunahing ekonomista, tulad ni Douglas Irwin, ang tumutukoy sa proteksiyonismo bilang isang mahalagang salik na nag-ambag sa ilang krisis sa ekonomiya, lalo na sa Malawakang Depresyon.[15] Nag-aalok ang ekonomistang Bagong Keynesyano na si Paul Krugman ng mas reserbadong pananaw: na ang mga taripa ay hindi ang pangunahing sanhi ng Malawakang Depresyon kundi tugon lamang dito, at na ang proteksiyonismo ay isa lamang maliit na pinagmumulan ng inepisyensiyang alokatibo.[16][17] Bagama't ang liberalisasyon ng kalakalan ay maaaring minsang humantong sa hindi pantay na pagkakabahagi ng mga pagkalugi at kita, at sa maikling panahon ay magdulot ng dislokasyong ekonomiko sa mga manggagawa sa mga sektor na nakikipagkompitensiya sa inaangkat,[10][18] ang malayang kalakalan ay nagpapababa sa mga gastos ng mga kalakal at serbisyo para sa kapwa mga prodyuser at mamimili.[19]

  1. Ang nasyonalismong pang-ekonomiya ay isang ideolohiya na inuuna ang interbensyon ng estado sa ekonomiya, kabilang ang mga patakaran gaya ng domestikong kontrol at paggamit ng mga taripa at mga paghihigpit sa paggalaw ng paggawa, kalakal, at kapital. (Isinalin mula sa Ingles)
  2. Ang liberalismong pang-ekonomiya ay isang ideolohiyang pampolitika at pang-ekonomiya na sumusuporta sa isang ekonomiyang pamilihan na nakabatay sa indibidwalismo at pribadong pag-aari ng mga paraan ng produksyon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Piketty, Thomas (Abril 19, 2022). A Brief History of Equality [Isang Maikling Kasaysayan ng Pagkakapantay-pantay] (sa wikang Ingles). Belknap Press. Nakuha noong Enero 5, 2024.
  2. Murschetz, Paul (2013). State Aid for Newspapers: Theories, Cases, Actions [Ayuda ng Estado para sa mga Pahayagan: Mga Teorya, Kaso, Aksiyon] (sa wikang Ingles). Springer Science+Business Media. p. 64. ISBN 978-3-642-35690-2. Ang mga partidong nasa kaliwa ng pamahalaan ay nagpapatupad ng mga patakarang proteksiyonista dahil sa mga kadahilanang ideolohikal at sa layuning protektahan ang mga trabaho ng mga manggagawa. Sa kabaligtaran, ang mga partidong makakanan ay may hilig sa mga patakaran ng malayang kalakalan. (Isinalin mula sa Ingles)
  3. Peláez, Carlos (2008). Globalization and the State: Volume II: Trade Agreements, Inequality, the Environment, Financial Globalization, International Law and Vulnerabilities [Globalisasyon at ang Estado: Tomo II: Mga Kasunduan sa Kalakalan, Hindi Pagkakapantay-pantay, Kapaligiran, Globalisasyong Pinansyal, Pandaigdigang Batas, at mga Kahinaan] (sa wikang Ingles). Estados Unidos: Palgrave MacMillan. p. 68. ISBN 978-0-230-20531-4. Mas may tendensiya ang mga partidong makakaliwa na suportahan ang mga patakarang proteksiyonista kaysa sa mga partidong makakanan. (Isinalin mula sa Ingles)
  4. Mansfield, Edward (2012). Votes, Vetoes, and the Political Economy of International Trade Agreements [Mga Boto, Beto, at Ekonomiyang Pampolitika ng mga Internasyonal na Kasunduan sa Kalakalan] (sa wikang Ingles). Princeton University Press. p. 128. ISBN 978-0-691-13530-4. Itinuturing na mas madalas na nakikialam sa ekonomiya at nagpapatupad ng mga proteksiyonistang patakaran sa kalakalan ang mga pamahalaang makakaliwa kaysa sa iba. (Isinalin mula sa Ingles)
  5. Warren, Kenneth (2008). Encyclopedia of U.S. Campaigns, Elections, and Electoral Behavior: A–M, Volume 1 [Ensiklopedya ng Mga Kampanya, Halalan, at Pag-uugaling Elektoral ng Estados Unidos: A–M, Tomo 1] (sa wikang Ingles). Sage. p. 680. ISBN 978-1-4129-5489-1. Gayunpaman, pinapaboran pa rin ng ilang pambansang interes, mga rehiyonal na bloke ng kalakalan, at makakaliwang kilusang laban sa globalisasyon ang mga gawaing proteksiyonista, dahilan upang manatiling isyu ang proteksiyonismo para sa parehong partidong pampolitika sa Amerika. (Isinalin mula sa Ingles)
  6. "The End of Reaganism" [Ang Katapusan ng Reaganismo]. POLITICO Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Marso 2017.
  7. Fairbrother, Malcolm (1 Marso 2014). "Economists, Capitalists, and the Making of Globalization: North American Free Trade in Comparative-Historical Perspective" [Mga Ekonomista, Kapitalista, at ang Pagbubuo ng Globalisasyon: Malayang Kalakalan ng Hilagang Amerika sa Pahambing-makakasaysayang pananaw]. American Journal of Sociology (sa wikang Ingles). 119 (5): 1324–1379. doi:10.1086/675410. ISSN 0002-9602. PMID 25097930. S2CID 38027389.
  8. 8.0 8.1 Mankiw, N. Gregory (24 Abril 2015). "Economists Actually Agree on This: The Wisdom of Free Trade" [Talagang Sumasang-ayon Dito ang mga Ekonomista: Ang Karunungan ng Malayang Kalakalan] (sa wikang Ingles). Naka-arkibo 05-14-2019 sa Wayback Machine.. The New York Times. Nakuha noong 10 Agosto 2021. "Sikat ang mga ekonomista sa hindi pagkakasundo sa isa't isa.... Ngunit ang mga ekonomista ay umabot sa halos pagkakaisa sa ilang mga paksa, kabilang ang pandaigdigang kalakalan." (Isinalin mula sa Ingles)
  9. "Economic Consensus On Free Trade" [Konsenso ng mga Ekonomista Tungkol sa Malayang Kalakalan]. PIIE (sa wikang Ingles). 25 Mayo 2017. Nakuha noong 27 Pebrero 2018.
  10. 10.0 10.1 10.2 Poole, William (2004). "Free Trade: Why Are Economists and Noneconomists So Far Apart?" [Malayang Kalakalan: Bakit Malayo ang Pagkakaiba ng mga Ekonomista at Di-Ekonomista?]. Review (sa wikang Ingles). 86 (5). doi:10.20955/r.86.1-6.
  11. See P. Krugman, "The Narrow and Broad Arguments for Free Trade" [Ang Makitid at Malawak na Argumento para sa Malayang Kalakalan] (sa wikang Ingles), American Economic Review, Papers and Proceedings, 83(3), 1993 ; at P. Krugman, Peddling Prosperity: Economic Sense and Nonsense in the Age of Diminished Expectations [Paglalako ng Kaunlaran: Katuturan at Kalokohan sa Panahon ng Huminang mga Inaasahan] (sa wikang Ingles), New York, W.W. Norton & Company, 1994.
  12. "Free Trade" [Malayang Kalakalan]. IGM Forum (sa wikang Ingles). 13 Marso 2012. Nakuha noong 24 Hunyo 2017.
  13. "Import Duties" [Buwis sa Pag-aangkat]. IGM Forum (sa wikang Ingles). 4 Oktubre 2016. Nakuha noong 24 Hunyo 2017.
  14. "Trade Within Europe" [Kalakalan sa Loob ng Europa]. IGM Forum (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Hunyo 2017.
  15. Irwin, Douglas (2017). Peddling Protectionism: Smoot-Hawley and the Great Depression [Paglalako ng Proteksiyonismo: Smoot-Hawley at ang Malawakang Depresyon] (sa wikang Ingles). Princeton University Press. pp. vii–xviii. ISBN 978-1-4008-8842-9.
  16. "The Mitt-Hawley Fallacy" [Ang Palasyang Mitt-Hawley] (sa wikang Ingles). 4 Marso 2016.
  17. "Hayek, Trade Restrictions, and the Great Depression" [Hayek, Mga Paghihigpit sa Kalakalan, at ang Malawakang Depresyon] (sa wikang Ingles). 10 Hulyo 2010.
  18. Xiong, Ping (2012b). "Patents in TRIPS-Plus Provisions and the Approaches to Interpretation of Free Trade Agreements and TRIPS: Do They Affect Public Health?" [Mga Patente sa Mga Probisyon ng TRIPS-Plus at ang Mga Pamamaraan sa Interpretasyon ng Mga Kasunduan sa Malayang Kalakalan at TRIPS: Nakakaapekto ba ang mga Ito sa Pampublikong Kalusugan?]. Journal of World Trade (sa wikang Ingles). 46 (1): 155. doi:10.54648/TRAD2012006.
  19. Rosenfeld, Everett (11 Marso 2016). "Here's why everyone is arguing about free trade" [Narito kung bakit nakikipagtalo ang lahat tungkol sa malayang kalakalan] (sa wikang Ingles). CNBC. Nakuha noong 10 Agosto 2021.